Isa ang singer-TV host na si Billy Crawford sa mga celebrities na nagawa nang makatawid mula sa tatlog pinakamalalaking TV network sa bansa: nagsimula siya sa GMA Network, pagkatapos ay nagpunta sa ABS-CBN, at matapos ibasura ang franchise renewal ay napadpad naman sa TV5 upang maging main host ng 'Lunch Out Loud' o LOL.

Kaya naman nang matanong siya ng Philippine Entertainment Portal o PEP nitong Oktubre 4, 2021 hinggil sa isyu ng pag-oober da bakod, tahasang sinabi ni Billy na nagpakatotoo lamang siya dahil halos walong buwan siyang walang trabaho dahil sa pandemya at kasagsagan pa ng isyu sa prangkisa ng ABS-CBN kung saan limitado ang napo-produce na shows, at nagsagawa pa nga ng retrenchment sa mga empleyado nito.

“Ako, noong lumipat ako, wala na akong kontrata sa ABS-CBN, first of all… Wala na akong options. I was just home. Wala na akong ginagawa. Parating na ang baby namin ni Coleen. Kailangan akong kumilos. Anong gagawin ko? Nganga…"

Naging maayos naman daw ang pagpapaalam niya sa management at ilang malalapit na kaibigan at kasamahan sa Kapamilya Network.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Naging mahirap man daw ang kaniyang desisyon, sa huli, ginawa niya ito para sa kaniyang pamilya, kaya dapat umanong unawain ang mga artistang nag-nenetwork transfer, dahil aanhin pa raw ang loyalty kung magugutom na ang pamilya?

Taong 2008 nang maging exclusive Kapamilya si Billy, at tila hindi siya nabakante dahil halos salitan sila ni Luis Manzano sa pagho-host ng game shows at talent shows sa network.

Ilan sa mga naging TV shows niya ay ang 'The Singing Bee', 'Pilipinas Got Talent', 'Your Face Sounds Familiar', 'The World of Dance Philippines', 'Idol Philippines', 'It's Showtime', at naging bahagi rin ng Sunday musical-variety show na 'ASAP'. Huling proyekto naman niya ang 'Your Moment' na umere mula Nobyembre 2019 hanggang Pebrero 2020.

Bukod sa noontime show na LOL, siya rin ang host ng franchise game show na 'The Wall Philippines'.