Pinalagan ni Senator Panfilo Lacson ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto ang mga senador na "mapang-abuso" umano sa mga miyembro ng Gabinete nito.

Paliwanag ni Lacson, tanging korte lamang ang maaaring magpalabas ng warrant of arrest.

Ang banta ng Pangulo ay resulta lamang ng patuloy na iringin nila ni Senator Richard Gordon.

Nag-ugat ang "word war" ng dalawa nang pamunuan ni Gorodon ang Senate Blue Ribbon committee sa pagsasagawa ng  imbestigasyon kaugnay ng umano'y overprice na medical supplies na binili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (DBM).

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

"Alam naman natin na hindi gagawin at hindi pwedeng gawin ng Pangulo na ipaaresto at ipakulong ang kahit sinong tao, senador man o hindi. Only a court of law can issue a warrant of arrest in accordance with the rule of law or under Rule 113 of the Rules of Court. Under Section 5, even a warrantless arrest or citizen’s arrest has clearly defined circumstances,’’ aniya.

"The President is a lawyer. He should know his law,’’ paliwanag pa nito.

Mario Casayuran