Matapos ang anunsyo ni 'Idol ng Bayan' Raffy Tulfo na kaniyang pagtakbo bilang senador sa halalan 2022, binengga ng isang netizen na nagngangalang 'Renda Daldalera' si Raffy Tulfo, hinggil sa pagtakbo nito sa halalan 2022 gayong may mga nakabinbin pang kasong kailangang harapin, kaugnay sa isyu nila ng unang legal wife na si Juliet Licup Pearson.
Sa mahabang Facebook post na lumabas nitong Oktubre 5, inungkat at idinetalye ni Daldalera ang umano'y pag-iwas ni Tulfo sa mga kasong kinahaharap niya, gayundin sa misis nitong si Jocelyn Pua-Tulfo.
"NO ONE IS ABOVE THE LAW. JUSTICE FOR THE LEGAL WIFE & DAUGHTER ( BIGAMY / VAWC vs RAFFY TULFO & JOCELYN PUA), aniya.
"RAFFY TULFO, nauna kang nagpakasal sa iba noong March 30,1985 sa US. Ang legal wife na iniwan mo when she was 5 month pregnant ay nag-file ng presumptive death kasi hindi ka nga makita. Mabuti na lang at binigyan siya ni Lord ng napaka bait na foreigner para buhayin ang mag-ina mo." Nagpakasal sya kay ARTHUR JOSEPH PEARSON noong OCTOBER 5, 1992."
Ang tinutukoy na unang legal wife ng netizen ay si Julieta Nakpil Licup Pearson, na nagsampa ng kaso laban kina Raffy Tulfo at sa asawa nitong si Jocelyn Pua Tulfo sa Quezon City Prosecutor’s Office, noong Hunyo 2019.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2019/06/10/raffy-tulfo-sinampahan-ng-bigamy/
"Aba! Four times ka nagpakasal! Harapin mo ang BIGAMY at VAWC mong mga kaso. Hindi puro kasinungalingan ang pinagsasabi mo sa programa mo," giit pa ng netizen.
Isinalaysay pa nito na nakipagkita umano ang anak niya sa kaniya kasama si Jocelyn.
"Dahil sa kagustuhan ng anak mo na makita ang TATAY niya when she was 13 , pumunta silang mag ina sa PILIPINAS (1997) at nagkita kayo sa program station mo. Natatandaan mo ba kung saan mo dinala ang anak mo at may na meet siya na mag ina? Merong pictures siyang hawak. Masasabi mo bang matino kang father at asawa sa legit mong family?
Malinaw ang pahayag ni Daldalera na hindi dapat tumakbo sa kahit na anumang posisyon si Tulfo kung hindi pa nito naaayos at nahaharap ang kasong nakahain sa kaniya, ng umano'y una at legal na misis.
Aniya, bago umano hangarin ni Tulfo na tukbaong senador at maging isang public servant, harapin umano dapat nito muna ang mga nakabinbing kaso.
"Hindi ka dapat maging PUBLIC SERVANT dahil meron ka pang kaso na dapat mong harapin. Kahit ilang beses ka mag pakasal, under the law, legal wife mo pa rin si JULIET LICUP PEARSON at alam mo 'yan."
PS. Now ko lang nakita ang message ni JOE PEARSON sa messenger. Last year ( NOV 25,2019) pa pala sya nag messaged.
Sa balita naman ng 'Mata ng Agila' sa NET 25, nagpahayag si Licup na hindi naman pera ang habol nila kay Tulfo kaya siya nagsasampa ng kaso. Nais lamang umano niyang mabigyan ng hustisya ang pag-abandona sa kanilang dalawa ng anak nila ni Tulfo na si Grendy Licup Tulfo, na ikinasal na rin sa ibang bansa at may sarili na ring pamilya.
Naging ebidensya ni Licup ang marriage contract nila ni Raffy noong Oktubre 25, 1982 na naganap umano sa Office of the Mayor sa Capaz, Tarlac, Inakusahan ni Licup si Tulfo ng paglabag sa Article 349 of the Revised Penal Code.
“Bigamy happens if you enter into another marriage with another person while your first marriage is still subsisting without acquiring a judicial declaration declaring the said first marriage null and void or through annulment. In this case, there was no annulment, there was no nullity of marriage. So at the time that Mr. Raffy Tulfo entered into a second marriage, his first marriage is still subsisting," paliwanag noon ng abogado ni Licup na si Atty. Lifrendo Gonzales.
“Our marriage has not yet been judicially dissolved either by annulment or through nullity of marriage,’’ giit naman ni Licup sa complaint niya umano laban kay Tulfo.
Isinalaysay din ni Licup na kaya lamang sila naghiwalay ni Tulfo nang mag-away ang mga ito sa kanilang bahay sa Tarlac, kung saan limang buwan pa itong buntis.
“Respondent Raffy Tulfo never communicated with me thereafter and not even when my daughter was born on March 6, 1984,’’ ayon sa reklamo ni Licup.
Samantala, nang lumabas ang isyung ito ay nagpaliwanag naman si Tulfo na mas nauna umanong ikasal si Licup sa mister nitong si Arthur Pearson.
“She’s already married to a foreigner and she’s asking 100 million pesos or else gigibain daw niya ang buhay ko,” paglilinaw ni Tulfo noon sa episode ng 'Wanted Sa Radyo' na umere noong Hunyo 11 , 2019. “I have the letter from her lawyer. It is blackmail and extortion.”
Samantala, wala pa namang bagong tugon o pahayag si Raffy Tulfo tungkol sa inuungkat na akusasyong ipinupukol sa kaniya ngayon ng naturang netizen, lalo na't malapit na ang eleksyon.