Kasado na ang kandidatura ni Pasig Vice Mayor Iyo Bernardo sa pagka-alkalde sa Halalan 2022, at makakatunggali nito ang incumbent mayor ng lungsod na si Vico Sotto.

Sa isang panayam kay Bernardo nitong Miyerkules, Oktubre 6, ibinahagi nito ang ilang motibasyon sa pagtakbo bilang alkalde ng Pasig.

“I’m not here to criticize the current administration. I just want to to offer an option sa mga kababayan namin,” sagot ni Bernardo ng tanungin ng midya sa isang panayam.

Ukol naman sa mga plataporma at alternatibo nito, sinabi ni Bernardo na magiging isang hands-on na alkalde ito sakaling mahalal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I would be a hands-on mayor. I would get to talk to each and every constituent whoever O get to see. I do want to know how they’re living,” ani Bernardo.

Sa pamamagitan nito, malalalaman kung ano pa ang maitutulong ng lokal na pamahalaan sa kanilang nasasakupan, dagdag niya.

“I want to know what more the city government can help in whatever capacity we can,” sabi ng bise-alkalde.

Nagsilbing bise-alkalde si Bernardo ng lungsod sa loob ng tatlong termino. Nitong pandemya, may napagtanto ito dahilan para isulong ang kanyang kandidatura.

“I’ve only seen, ‘yong pong kahirapan pa rin sa amin. I know for a fact that when people think of Pasig, more or less that they would see the Ortigas Center, our few malls here, [and] our buildings,” sabi ni Bernardo.

“After the pandemic, after 2020, that’s one factor that would make you realize how hard their lives are [Pasig residents],” dagdag niya.

Kasunod na inilarawan ni Bernardo ang “disparity” sa pagitan ng mahihirap at may pribilehiyo nang tumama ang COVID-19 pandemic kung saan kailangan pang dalhin sa mga quarantine facility ang mahihirap habang may kakayahang mag-home quarantine ang mayayaman.

Kasunod na itinanggi ni Bernardo ang umano’y iringan nila ni incumbent Pasig Mayor Vico Sotto kung saan ibinahagi ng bise-alkalde na sa katunayan ay magkaibigan sila ng kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Kung maihahalal na alkalde ng Pasig, nais niyang mamigay ng ayuda o allowance sa mga estudyanteng walang kakayahang makapag-aral sa ilalim ng new distance learning.

Nais din isulong ni Bernardo ang insentiba para sa mga negosyong nagbibigay ng trabaho sa mga residente ng Pasig.

Samantala, aminadong “underdog” si Bernardo sa laban nila ni Sotto sa Halalan 2022.