Muling nagbalik sa Instagram nitong Martes, Oktubre 5 si Pia Magalona upang alalahanin ang kaarawan ng yumao niyang asawa na si Francis Magalona.
Sa larawang ibinahagi ni Pia kung saan makikitang magkahawak ang kamay ng mag-asawa, inalala nito ang kaarawan ng tinaguriang “most successful local rapper of all time” na si Francis M.
“I dedicate my comeback to IG in commemoration of the day you were born, back in 1964,” pagbati ni Pia kay "Francis M" na nagdiriwang ang ika 57 kaarawan nitong Martes, Oktubre 5.
Kasunod nito, tila nagpasaring si Pia sa naging pagbabago sa Pilipinas na maliban sa pandemya ay muli umanong nahaharap sa "kawalan ng hustiya."
“Times have truly changed [for the worse] and especially for our country that’s been hit hard not just by the pandemic but by the current situation we are in because—believe it or not—they’re back!” ani Pia na tumutukoy sa ilang "hindi makatarungang" sistema sa bansa.
Matatandaang tanyag sa mga makabayang kanta si "Francis M."
“Yeah… the ones you wrote those songs for: about injustice, inequality and the abuse we grew up with. Where is the love, we asked, for the Filipino people BY the Filipino people??” paglilinaw at dagdag na tanong ni Pia.
Hiniling ni Pia sa asawa ang paggabay kanilang pamilya.
“Mom is there now, too, with you and both your parents. Keep watch over us—and keep us safe always,” sabi ni Pia.
Mga salitang “I love you” para sa yumaong asawa ang huling sabi ni Pia sa Instagram post.
Kilala si Francis Magalona sa mga award-winning na mga kantang “Mga Kababayan,” “Kaleidoscope World,” “Tayo’y mga Pino'y" at maraming iba pa.