Kinumpirma ni Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson Dr. Jonas del Rosario nitong Miyerkules na nabawasan na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang pagamutan kumpara nitong nakalipas na dalawang linggo.

Ikinatwiran ni del Rosario na sa ngayon ay 237 na lamang sa kanilang 325 COVID-19 beds ang okupado ng mga pasyente.

Mas mababa aniya ito kumpara sa 355 pasyente na kanilang in-admit may dalawang linggo na ang nakakaraan, na lampas sa kanilang kapasidad.

Sa kabila naman nito, iniulat ni del Rosario na marami pa rin silang pasyente ngayon na malala at kritikal ang kalagayan dahil sa COVID-19 kaya’t puno pa rin ang kanilang intensive care units (ICU).

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

“That’s roughly about 75% occupancy. But we still have a lot of patients who are severe and critically ill, which makes our ICU beds always full,” ani del Rosario, isa isang television interview.

Palagi pa rin aniya silang nakakatanggap ng mga walk-in patients sa kanilang emergency room (ER), gayunman,mas umikli na ang panahon na paghihintayng mga pasyente ng COVID-19 para mailipat sila mula sa ER patungo sa ward, na inaabot na lamang ng isa o dalawang araw.

Gayunman, dahil sa mataas na occupancy rate sa ICU, ang mga pasyenteng malala o kritikal ang lagay, ay kinakailangang maghintay pa ng mas matagal.

“The only limitation that we have is the ICU are still quite full. And so those who are critical or severely ill who might need intubation or high flow oxygen might need to wait a little longer,” paliwanag pa ni del Rosario.

Mary Ann Santiago