Nasa 28 benepisyaryo ang nakatanggap ng bagong bisekta mula sa lokal na pamahalaan ng Navotas sa tulong ng programang Bikecination Project ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Martes, Oktubre 5.

Ibinahagi ni Navotas Mayor Tobias “Toby” Tiangco sa Facebook ang nasa 28 residente ng lungsod, at graduates ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) at ng Bidahan Program ng Navotas Anti-Drug Abuse Council na nakatanggap ng brand new na mga bisekletang magiging katuwang sa hanapbuahy.

Ang mga bagong bisekleta ay handog ng programa ng DOLE, ang Bikecination Project, na nagbibigay insentiba sa mga napiling bakunadong benepisyaryo.

Kalakip din sa natanggap ng ang bagong cellphone, halagang P5,000 load, helmet, tumbler at delivery bag.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinangunahan ni Congressman John Rey Tiangco ang pamamahagi ng mga kagamitan.