Naghain ng certificate of candidacy nitong Martes, Oktubre 5 si San Juan Mayor Francis Zamora para sa re-election sa darating na 2022 election.
Sinabi ng San Juan City mayor na bumuo na siya ng tiket upang masiguro ang "continuous proactive, progressive, and transparent governance" sa lungsod.
Kabilang sa mga kandidato ay sina Atty. Bel Zamora bilang Congresswoman, Vice Mayor Warren Villa, Angelo Agcaoili, Paul Artadi, Ryan Llanos Dee, Raissa Laurel, Ervic Vijandre, at James Yap bilang mga councilors ng District 1; at Don Allado, Totoy Bernardo, Bea de Guzman, Macky Mathay, Kit Peralta and Franco Yam bilang councilors ng District 2.
Sa pamumuno ni Zamora, ang San Juan City ang unang lungsod sa bansa na nagsagawa ng localized lockdowns noong Hunyo 2022, at nakitang mas epektibo ito kaysa sa general lockdowns.
Ang lungsod din ang unang sa bansa na nakapagpabakuna ng 70 na porsyento ng target population at nakamit ang herd immunity o population protection.
217 na porsyento ng target population ng San Juan ang bakunado na ng first dose at 177 na porsyento naman ang fully vaccinated.
Public health ang nanatiling prayoridad ng mayor habang patuloy na nakikipaglaban ang bansa sa pandemya.
Ayon sa city government, 17 wave ng food packs distribution ang nakumpleto na at ang ika-18 wave ay nakaiskedyul sa Christmas season.
Patrick Garcia