Naghain si House of Representatives Speaker Lord Allan Velasco nitong Martes, Oktubre 5, ng kanyang certificate of candidacy (COC) para hangarin ang ikatlo at huling termino bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Marinduque sa Kongreso sa Halalan 2022.
Si Velasco ay anak ng incumbent Marinduque Gov. Presbitero Velasco, isang retiradong Supreme Court justice.
“I’m really grateful to the people of Marinduque for giving me many chances and I’m asking them for another one so I can continue to champion their interests and welfare in Congress,” ani Velasco nang maghain ng COC sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa bayan ng Boac, Marinduque.
“There’s so much to do for Marinduqueños, and I would very much like to have the honor of representing them again,”dagdag niya.
Unang nahalal na congressman ng Marinduque noong 2010 si Velasco. Natalo ito sa kanyang re-election bid kay Regina Ongsiako-Reyes na kalauna'y nadiskwalipika matapos madiskubreng isang American citizen.
Tumakbo muli si Velasco taong 2016 at 2019 kung saan pareho nitong naipanalo ang kandidatura sa parehong posisyon.
Kakatawanin ni Velasco ang PDP-Laban sa Hallaan 2022.