Pinarangalan ng gobyerno ng Japan ang 18 taong gulang na si Sakuraga Kawazu matapos maagapan ang sana'y sunog.

Ayon sa kanya, in-apply niya ang natutunan niya sa anime na pinamagatang "Fire Force."

“I had been watching an anime series about firefighters (Fire Force) in action, so I was able to face the situation calmly," ani Kawazu sa isang press conference.

Kwento ni Kawazu, papunta siya sa isang convenient store nang makita niya ang isang sunog sa pasukan ng isang bahay.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Agad namang tumawag sa 119 si Kawazu upang humingi ng tulong sa awtoridad. Pagpatos ay pumasok sa bahay na kung saan ay nasa loob ang isang 70 taong gulang na babae. Agaran niyang tinulungan na lumabas ang matanda.

Pinasalamatan ng Central Fire Station (CFS) si Kawazu sa agaran nitong aksyon.

“Thanks to the calm and serenity of the actions, we could only come out with flying colors. I would like to express my gratitude for the series of actions undertaken,” ani Kanji Yoshihara, chief ng CFS.