Tiniyak ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Senator Richard Gordon na bilang aktibong kaalyado ng pamahalaan ay handa na rin ang kanilang hanay na magpabakuna ng mga kabataan laban sa COVID-19.

Ayon kay Gordon, nais niyang mabakunahan na rin laban sa nakamamatay na virus ang mga batang nasa 12 hanggang 17-taong gulang.

“We will vaccinate whomever the government wants us to prioritize. We are just waiting for the written directive,” pahayag pa ni Gordon.

Matatandaang noong Setyembre, una nang inaprubahan ni Pang. Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa general population ngayong Oktubre, alinsunod na rin sa rekomendasyon ngInter-Agency Task Force (IATF) lalo na at target ng pamahalaan na maibalik na ang face-to-face classes sa unang bahagi ng susunod na taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi na rin naman ng Department of Health (DOH) na target nilang masimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataan ngayong Oktubre 15 at ipa-prayoridad umano nila yaong may mga comorbidities.

Kaugnay nito, sinabi ni Gordon na umaasa siyang patuloy na mababawasan ang vaccine hesitancy ngayong mas dumarami pa ang bakunang natatanggap ng bansa.

Tiniyak pa niyang sa sandaling makatanggap na ang humanitarian organization ng written directive mula sa pamahalaan, ang kanilang mga volunteers at staff ay magsisimula na ring magbakuna ng mga batang kabilang sa A3 category o persons with comorbidities.

“The best protection against COVID-19 is to get vaccinated. By being vaccinated, you will not only be able to take good care of yourself but protect your family, friends, and your community as well,” ayon pa kay Gordon.

Nabatid na sa ngayon, tanging ang Pfizer at Moderna vaccines pa lamang ang may emergency use authorization (EUA) mula sa pamahalaan para sa pediatric usage.

Hanggang nitong Oktubre 1, 2021, nakapagbakuna na ang PRC ng 284,869 indibidwal sa kanilang 23 Bakuna Centers (209,524) at 16 na Bakuna Buses (75,345) sa buong bansa.

Sa naturang 284,869 indibidwal, mahigit 108,329 na ang fully vaccinated.

Upang magparehistro para sa vaccination, maaari lamang umanong tumawag sa 1158 o di kaya ay mag-email sa[email protected].

Mary Ann Santiago