Nagbuga ng nasa average 25,456 tons ng sulfur dioxide (SO2) ang Bulkang Taal nitong Martes, Oktubre 5, pinakamataas na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“SO2 emission has averaged 8,854 tonnes/day since 27 September 2021, from which time the volcano has fallen seismically quiet (zero volcanic earthquakes/day). Recent degassing at the Taal Main Crater has been visibly moderate to strong and generated steam-laden plumes as tall as 3,000 meters above the Taal Volcano Island or TVI,” sabi ng Phivolcs sa isang advisory nitong Martes ng gabi.

“A sudden inflation of TVI was detected by GPS monitoring in August 2021, which may indicate renewed pressurization of the subsurface hydrothermal system due to continuous magmatic degassing,” dagdag nito.

Nakataas sa Alert Level 2 ang Taal magmula Hulyo 23.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Muling pinaalalahan ng Phivolcs ang publiko na mahig[it na ipinagbabawal ang pagpasok sa isla ng Bulkang Taal, lalo na sa paligid ng main crater at ang Daang Kastila.

Ipinagbabawal din ang pamamangka sa Taal Lake.

Panghuli, pinayuhan ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na magbantay at paigtingin ang kahandaan sa dati nang ibinakwit na mga barangay sa paligid ng Taal Lake.

Ellalyn De Vera-Ruiz