Maraming mga estudyante ang natuwa sa Facebook post ng isang guro na si Ginoong Jayson A. Batoon tungkol sa kanyang paandar sa online classes.

Nakaugalian na kasi ng guro na kumustahin ang kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng Google form.

"Being a teacher is privilege and listening to your stories is an opportunity. Magkwento ka lang makikinig ako as a teacher, as a kuya, as a tatay at as uncle, kung ano man nararamdaman mo sa studies and personal life. Ikwento mo lang makikinig ako," ani Ginoong Batoon sa form.

Naging emosyonal din umano ang guro sa mga sagot ng kanyang mga estudyante kung saan ikinuwento nila ang kanilang diskarte at karanasan ngayong pandemya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Aniya, "I am doing this every semester to take time to listen to my students. And it still breaks my heart hearing their struggles."

Hinihikayat na rin ni Ginoong Batoon ang kapwa niya kaguruan na bigyan pansin ang kanilang mga estudyante gayundin ang mga magulang ng mga estudyante na maging maalam sa mga nangyayari sa kani-kanilang anak.

"Professors Instructors Teacher i hope that we care not only to the learnings of our students but even with their own struggles.

Parents i hope that you are aware about the feelings and struggles of your children," pahayag ng guro

Mensahe niya sa mga mag-aaral na kumapit lang sa mga pangarap.

"To students all of your emotions are valid and i deeply understand you guys. Kapit lang patungo sa inyong mga pangarap.

Not all students seems goods are actually good. Praying that you guys will find joy in whatever areas of your life," dagdag ni Ginoong Batoon.

Umabot na sa 7.9k likes ang post ni Ginoong Batoon.