Ang dapat sana’y online conference ng Commission on Higher Education-Cordillera (CHED-CAR) ay nauwi sa isang online protest matapos palitan ng mga sumaling estudyante ang kanilang pangalan ng mga salitang "Archimedes Trajano," “#NeverAgain,” “Marcos Diktador,” at “#MarcosMagnanakaw,” sa gitna ng programa tampok si Sandro Marcos, apo ni dating Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos.

Tila na-hijack ng mga sumaling estudyante ang online event ng CHED na tinawag na “Redefining the Role of Youth in Nation Building” nitong Martes, Oktubre 5.

Protesta ng mga estudyante ang umano’y hakbang ng pamilya Marcos na baguhin ang kasaysayan sa binansagang "darkest chapter in Philippine history," ang deklarasyon ng Martial Law taong 1972.

Sa mga binahaging larawan ni Akbayan Youth chairperson RJ Naguit sa Twitter, nasa kalagitnan ng student congress nang palitan ng mga sumaling estudyante ang kanilang mga pangalan ng mga panawagan at protesta ukol sa umano’y tangkang “historical revisionism.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Twitter post ni Akbayan Youth chairperson RJ Naguit

Nauna nang nag-anunsyo ng kandidatura si Sandro Marcos bilang kinatawan ng Ilocos Norte Kongreso habang nakatakda rin ang pagtakbo bilang Pangulo ng kanyang amang si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Halalan 2022.

Samantala, trending topic sa Twitter ang #MarcosMagnanakaw simula nitong hapon ng Martes, Oktubre 5.