Ipinagtanggol ng batikang showbiz columnist at showbiz talk show host na si Ogie Diaz si Vice Ganda sa patutsada rito ng batikang broadcaster na si Ben Tulfo.

Nag-react kasi si Ben sa pahaging ni Vice sa 'It's Showtime' hinggil sa mga taong nagko-quote ng mga bible verses, subalit sumusuporta naman umano sa mga magnanakaw. Pinalagan ito ni Ben sa kaniyang programa, sa bungad na bungad pa lamang.

“Vice Ganda, kung nakikinig ka at kung sinuman ang mga alipores mo, chuwari-wariwap mo, sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to.Nabubuhay ho kami doon sa mga bible verse na pinanindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post nang hindi ho namin pinaniniwalaan,” banat niya.

Bagama't masasabing hindi naman pinangalanan ng Unkabogable star kung sino ang kaniyang pinariringgan, aminado ang host na nasaling ang kaniyang damdamin dahil madalas siyang magtampok o magbahagi ng bible verses sa kaniyang show.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inokray pa nito ang komedyante at sinabihang mukhang raw itong “yokabaps” at “pekendus”.

“‘Wag na ‘wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na ‘yung sinasabi mo, parang pati kami hagip dyan. Dapat nilinaw mo. Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga bible verses… Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito,” dagdag pa niya.

Wala na raw sigurong maisip na punchline ang komedyante kaya kung ano-ano na lamang daw ang mga pinagsasabi nito.

Tinawag pa niyang 'dilawan' at 'balimbing' ang komedyante dahil noon daw ay sumusuporta ito kay Pangulong Rodrigo Duterte; sa katunayan, nag-guest pa nga ito sa night talk show niyang 'Gandang Gabi, Vice'. Subalit nang hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, kung ano-ano na at sino-sino na ang binabanatan nito.

Pagtatanggol ni Ogie sa kaniyang entertainment vlog, wala naman umanong dapat ikagalit si Ben Tulfo dahil hindi naman siya ang pinasasaringan ni Vice. Kaya nga raw may pahayag na 'Bato, bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit.'

"Sabi nga nila 'diba, 'bato, bato sa langit, ang tamaan huwag magalit,' para na rin sa kaalaman ni Kuya Ben, ang mga nag-react po rito (sa sinabi ni Vice Ganda) ay mga netizens na ang tinutukoy raw yata ni Vice ay si Toni Gonzaga, so ngayon, syempre, nag-react si Kuya Ben, hindi naman natin maaalis iyan sa kaniya, karapatan ni Kuya Ben iyan, kung feeling niya, 'Ooopsss, aray ko, ako yata ito,'" paliwanag naman ni Ogie.

Bilang reporter, sana rin siya sang magbigay ng blind item at ma-blind item, subalit hangga't hindi raw binabanggit ang pangalan, hindi dapat kumibo.

Iyon daw ang paraan ng pagpapahayag ni Vice upang maibulalas ang damdamin nang walang pinapangalanang kahit na sino.

Sana raw ay naiintindihan din ni Ben Tulfo, na kahit ang mga Tulfo rin naman ay nagba-blind item din.

Pero sa huli, sinabi ni Ogie na kailangan ding igalang ang reaksyon ni Ben dahil damdamin niya ito. Humingi ng pasensya si Ogie kung nasaling man siya sa patutsada ni Vice.

Samantala, wala pa namang reaksyon o komento si Vice hinggil sa isyung ito.