Halos kasabay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro nitong Oktubre 5, inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ang mga natatangi at ulirang guro na nagtuturo o nagpapalaganap ng wikang Filipino ngayong 2021.

Makikita sa Facebook page ng KWF ang limang hinirang na mga ulirang guro na nagpamalas ng kanilang natatanging kontribusyon sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at pagpapayaman ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas.

Una na riyan si Mark-Jhon R. Prestoza, MAEd, na kasalukuyang guro ng Quirino National High School sa Isabela. Nagtapos siya ng Master of Arts in Education major in Filipino at kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosophy in Language Education-Filipino sa Isabela State University. Pinarangalan siya bilang Outstanding Researcher noong 2019.

Sumunod naman si Dr. Rowell D. Madula, na kasalukuyang Associate Professor V at pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa De La Salle University. Noong 2018, siya ay pinarangalan ng Cecilio M. Lopez Gawad Propesor sa Wika at Panitikang Filipino. Nagtapos ng kaniyang doktorado ng Araling Filipino sa De La Salle University at ginawaran ng pinakamahusay na disertasyon.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura at tagapangulo ng Master of Arts in Filipino Program ng Graduate School sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta. Mesa si Dr. Romeo P. Peña. Natapos niya ang pagiging doktorado ng Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Nagawaran din siya ng parangal ng Filipino Migration to Hawaii Centennial Literary Prize International.

Si Dr. Ma. Lourdes R. Quijano naman ay kasalukuyang direktor ng Sentro ng Wika at Kultura at Professor VI sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Pinarangalan siya ng Excellence Award bílang awtor at propesor noong 2020. Nagtapos siya ng Doctor of Philosophy Major in Educational Management sa Araullo University.

Panghuli naman ay si Dr. Voltaire M. Villanueva, na kasalukuyang katuwang na Propesor III at Puno ng Sentro ng Pag-aaral ng mga Wika sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila. Natapos niya ang doktorado ng Araling Filipino sa De La Salle University. Ginawaran ang kaniyang tesis bilang pinakamahusay na tesis noong 2012 at pinakamahusay na papel sa 6th Art Congress.

May be an image of 5 people, people standing and text that says 'Ulirang Guro sa Filipino 2021 AWIKANO PRNN 1991. W Dr. Rowell D. Madula DeLa Salle University G. Mark-Jhon R. Prestoza Quirino National High School Dr. Romeo P. Peña Polytechnic University of the Philippines Dr. Voltaire M. Villanueva Dhilinnine Normal University Dr. Ma. Lourdes R. Qujjano Nueva Ecija University Science and Technology'
Larawan mula sa FB/Komisyon sa Wikang Filipino

Pagbati sa mga Ulirang Guro sa Filipino 2021!