Inuulan ngayon ng kritisismo ang komedyante, Tv host, at direktor na si John 'Sweet' Lapus dahil sa kaniyang cryptic tweet noong Oktubre 2, 2021, matapos maghain ng kandidatura sa pagka-pangalawang pangulo si Senador Bong Go, na sinamahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kaniyang tweet, "Diyos ko Lord! Tulungan n'yo po kami. Yung Pangulo namin inaakay na."

John Lapus/Larawan mula sa Twitter

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Bagama't walang tinukoy kung sinong 'Pangulo' ang binanggit, ipinagpapalagay na ito ay walang iba kundi si Pangulong Duterte. Mukhang minasama ng mga netizens ang tweet na ito; imbes na simpatya ay sarkasmo raw ang dating.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

"Alam mo ang karma? Matanda na 'yong tao, binu-bully mo pa. Dahan-dahan baka bukas or di natin alam, malalaman mo na lang ikaw naman ang inaakay."

"Ipinagdasal na nga, binash pa…c’mon people… masyado na kayong negative mind…"

"Ang bobo nito. Pramis. Check mo utang ng mga first world country tapos kumpara mo sa Pinas."

"Sarcasm or sympathy! Walang nakakaalam po what if mauna ka pa. Kapag nauna ka, ikumusta mo na lang kami ni Abnoy."

"Mama John, dami galit… nanghihingi ka lang naman ng awa kay God na tulungan ang Pilipinas… hay nakuuuu dami triggered yarn!"

"Dont worry gracious God heals people with pure intent. I hope you as an elder wont receive the same amount of sarcasm. Mukhang ikaw ang kailangang akayin sa tamang katinuan. My prayers are for you."

"Bakit may mga galit sa tweet mo? Nanghihingi ka nga ng tulong eh tapos triggered pa rin mga bashers."