Kalat na ngayon sa social media ang bahagi ng panayam ni senatorial aspirant Samira Gutoc sa isang programa kung saan tila nagbago umano ang pananaw nito sa âWar on Drugsâ ng pamahalaan.
Si Gutoc ay dating kabilang ng Liberal Party at kilalang kritiko ng administrasyon ni Duterte.
Sa isang programa, tinanong ng mamahayag na si Karen Davila si Gutoc kung isa bang tagumpay na maituturing ang war on drugs ng pamahalaan.
âSyempre maâam, it was a shortcut process. It allowed people...I mean mali naman talaga ang droga but po âyong pillars of justice system sana nilakasan. It is success by fearing, engraining fear in people,â pahayag ni Gutoc.
Para kay Gutoc, âsuccessful in a wayâ ang programa habang pinunto nitong hindi maituturing na âsustainableâ ang programa.
Dahil sa hindi malinaw na pahayag ni Gutoc, muling tinanong ni Davila si Gutoc kung tagumpay ba o hindi ang drug war.
âItâs hard to say,â ani ni Gutoc na sunod na nagpahayag ng pakikisimpatya sa ilang biktima ng mga krimeng ang may sala ay nasa ilalim ng impluwensya ng droga.
âThey were clear naman. It was a clear approach, drug war approach, the first six months. Thatâs my measurement,â ani Gutoc.
Para kay Gutoc, ang Bangsamoro Basic Law (BBL) o ang Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang âgreatest achievementâ ng administrasyon ni Duterte.
Ilang mga tagasuporta ang bigo kasunod ng pahayag ni Gutoc na kilalang kritiko ng administrasyon.
"Ang lala ng disorientation and lack of clarity. Itâs like something snapped in her?" caption ng Twitter user sa ibinahaging panayam.
"Bakit parang nag iba yung narrative niya? Hala," tila pagtataka ng isa pa.
"Nakakalungkot kasi ang laking changes," segunda ng isa pa.
Kabilang din sa mga nadismaya sa pahayag ni Gutoc ang award-winning Filipino filmmaker na si Joselito âJayâ Altarejos.
âSamira Gutoc, Duterte's drug war is undebatable. Marami silang pinatay. You don'ty call it a succes in whatever way. Your interview with Karen Davila just confirmed my misgivings about you when I saw you in the Kingmaker. I am deleting your clip from my film. lol,â ani Altajeros sa kanyang Facebook post.
Tatakbong muli si Gutos sa Senado sa Halalan 2022 sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.