Inatasan ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar nitong Martes, Oktubre 5 ang Bicol regional police sa mas pinaigting na pagtugis sa mga nasa likod ng dalawang pagsabog sa Legazpi City campus ng Bicol University nitong Linggo ng gabi.

Naganap ang pagsabog bandang 6:30 ng gabi nitong Linggo, Oktubre 5. Walang namang naitalang nasawi.

Nasa harap lang ng Police Regional Office 5 ang naturang eskwelahan.

“I have already issued a directive to the Regional Director, of Police Regional Office 5, to conduct investigation and make sure that that those responsible would be held accountable,”sabi ni Eleazar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“I also directed the regional police leadership to coordinate with the University officials to discuss security measures in order to prevent the repeat of this incident, dagdag niya.

Pinaalalahan ni Eleazar ang pulisya na maging alerto para maiwasang maulit ang insedente.

Umapela rin si Eleazar sa mga may impormasyon ukol sa pagsabog na makipag-ugnayan sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Aaron Recuenco