Natuwa si Pangulong Duterte nang sumang-ayon ang Commission of Audit (COA) na i-audit ang mga subsidies na natanggap ng Philippine Red Cross (PRC), na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon, na siya ring nanguna sa pag-usisa ng Senado sa hinihinalang anomalya ng gobyerno tungkol sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

“I am pleased to learn about the prompt response of COA Chairman Michael Aguinaldo to our call to audit the Philippine Red Cross,” ani Duterte sa kanyang taped public address nitong Lunes ng gabi, Oktubre 4.

Nag-reach out ang Pangulo kay Aguinaldo sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Calida.

Ayon kay Duterte, pinirmahan ni Aguinaldo ang memorandum noong Setyembre 23 upang idirekta ang lahat ng sector heads, directors, at officers-in-charge sa central at regional offices ng COA na isumite sa fraud office division ang "compilation of their audit findings per sector on the subsidies and/or fund transfer received and utilized by PRC covering from a period of January 2016 to September 2021."

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

“This is really a very welcome development. And I commend our Solicitor General for his quick, as well as, COA Chairman Aguinaldo for paving the way for the long-overdue audit of the Philippine Red Cross,” ani ng punong ehekutibo.

Nauna nang sinabi ng mga state auditors ng estado na wala silang hurisdiksyon upang i-audit ang PRC dahil ito ay isang non-government organization (NGO).

Gayunpaman, ayon sa COA circular na pinahihintulutan din ito na i-audit ang mga pondong inilabas sa mga NGO sa kahilingan ng tamang awtoridad.

Si Gordon, na dating kakampi ni Duterte, ay naghahanap ng kontrata na nagkakahalaga ng 10 bilyon na pinasok umano ng gobyerno sa Pharmally, isang rehistradong kumpanya na may mababang kapitalisasyon. 

Ang Pharmally naman ay hinihinalang pagmamay-ari ng isang Singaporean na isang wanted sa Taiwan. Pinopondohan umano ito ni Michael yang, na dating ex-economic adviser sa Malacañang.

Maraming beses na dumepensa ang Pangulo kay Yang, aniya isa itong big time na investor sa Davao City.