Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 9,055 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Martes, Oktubre 5.
Batay sa inilabas na case bulletin #570 ng DOH dakong alas-5:30 ng hapon, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na ngayon sa 2,613,070 ang kabuuang COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 3.9% pa o 103,077 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa aktibong kaso naman, 78.8% ang mild cases, 11.4% ang asymptomatic, 5.65% ang moderate, 2.9% ang severe at 1.2% ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 12,134 bagong kaso ng COVID-19 na gumaling na mula sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 2,471,165 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.6% ng total cases.
Samantala, hindi na naman nakapagtala ng COVID-19 deaths ang DOH dahil sa isyung teknikal sa kanilang COVIDKaya system, kaya’t nananatili sa 38,828 ang COVID-19 death toll ng bansa o 1.49% ng total cases.
“No deaths were reported today due to technical issues with COVIDKaya,” anang DOH.
Tiniyak naman ng DOH na patuloy silang nakikipag-koordinasyonsa DICT para resolbahin ang technical issues ng COVIDKaya.
“DOH will then again issue necessary public advisories to report additional deaths not included in today’s case bulletin due to technical issues of COVIDKaya,” anito pa.
Samantala, mayroon rin namang 25 duplicates silang inalis mula sa total case count, kasama rito ang 21 recoveries.
“All labs were operational on October 3, 2021 while 7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 7 non-reporting labs contribute, on average, 1.9% of samples tested and 0.9% of positive individuals,” anang DOH.
“The relatively lower case count today is due to lower laboratory output last Sunday, October 3,” anito pa.
Mary Ann Santiago