Nagbigay-pugay si Education Secretary Leonor Briones nitong Martes, Oktubre 5 sa mga Pilipinong guro sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day (WTD) ngayong taon.

“I would like to wish our faithful and loyal teachers a glorious and happy Happy World Teachers’ Day!” ani Briones sa isang mensahe.

“You deserve all the honor and admiration,” dagdag niya.

Nakasentro sa temang “Gurong Filipino: Katuwang sa Hamon, Kasama sa Pagbangon” ang selebrasyon na nagbibigay-diin sa “kahalagahan ng mga guro sa patuloy na pagpapanday ng bansa sa kabila ng mga pagsubok” na dala ng coronavirus disease (COVID-19).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Your resilience and innovativeness are crucial factors in ensuring that we will continue to perform our mandate of delivering quality education for our children,”sabi ni Briones.

Sa gabay ng DepEd’s Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP), sinabi ni Briones na nagpaabot na rin ng tulong ang ahensya sa mga kaguruan sa gitna ng mapanghamong sitwasyong dala ng pandemya.

Para mabigyan pa ng dagdag na benipisyo, nagsagawa na rin ng hakbang ang DepEd para isulong ang dagdag na sahod at oportunidad para sa pag-unlad ng hanay ng mga kaguruan.

“We are determined to widen the reach of these initiatives so that we can truly achieve our shared goal of educating every Filipino child and it is our hope that you will continue to walk with us in this purposeful journey,”sabi ni Briones.

Umaasang nananatiling “happy, healthy, safe, and strong amidst all the unprecedented challenges” ang mga guro.

Ipinagdiriwang din ngayon Oktubre 5 ang National Teacher’s Day sa Pilipinas.

Sa isang virtual program, pinaliwanag ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali ang kahalagahan ng selebrasyon kabilang ang “pagkilala sa lahat ng mga kaguruan” at ang pagbibigay-diin sa kanilang mahalagang gampanin sa mga komunidad at sa buong bansa.

Maliban sa WTD at NTD, ngayong araw din nagtatapos ang isang buwang selebrasyon ng National Teacher’s Month (NTM) na nagsimula noong Setyembre 5.

Merlina Hernando-Malipot