LA TRINIDAD, Benguet -- Hindi nakalusot sa mahigpit na ipinaiiral na Quarantine Checkpoint ang tatlong kalalakihan matapos mahulihan  ng dalawang sako ng marijuana sa loob ng kanilang sasakyan sa Barangay Paykek, Kapangan, Benguet.

Kinilala ni Benguet PPO Provincial Director Col. Reynaldo Pasiwen, ang mga nahuli na sina Simiano Tadina Patingan, 36, ng Poblacion, Bakun; Jun Comot Collera, 31, ng Kayapa, Bakun at si Mary Ann Felipe Del Rosario, 22, residente ng Puguis, La Trinidad.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi ni Pasiwen noong Lunes, Oktubre 4, pinara ng Kapangan Municipal Police Station sa checkpoint ang isang dark blue Mitsubishi Montero na may plakang XPJ 767.

Iniutos ng mga pulis sa driver na buksan ang likod ng sasakyan para sa inspeksyon at dito ay nakita ang dalawang sako na naglalaman ng marijuana.

Limangpung tabular form dried marijuana leaves ang kabuuang laman ng mga sako na nagkakahalaga ng P6 milyon at isang caliber 45 na baril din ang nakumpiska sa loob ng sasakyan.

Zaldy Comanda