TABUK CITY, Kalinga – Nasopresa ang nagrespondeng mga pulis nang marekober ang mahigit sa ₱2 milyong marijuana bricks sa loob ng isang sports utility vehicle (SUV) na sumalpok sa kakahuyan sa Barangay Bado Dangwa, Tabuk City, Kalinga.
Sinabi ni Kalinga Provincial POlice Director Davy Limmong, dakong 2:14 ng hapon ng Oktubre 3 ay nagresponde ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station sa naiulat na naaksidenteng SUV (GAF-08) na bumangga sa mga puno sa lugar.
Ndiskubreng pulisya ang 20 marijuana bricks sa loob ng sasakyan kung saan ang iba ay nakatago pa sailalim ng upuan. Umaabot ito sa 20,400 gramo at nagkakahalaga ng₱2,448,000.00.
Narekober din ng pulisya ang naiwangkey pad Samsung, certificate of registration at official receipt ng sasakyan, at iba pang personal na gamit.
Sa pagberipika ng Traffic Management Unit, nakarehistro ang sasakyang sa isang Fernando Maccay, taga-Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Zaldy Comanda