Sa programang Unang Hirit nitong Lunes, Oktubre 4, ibinunyag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kanyang insecurity sa kamay.

“I have swan-neck deformity. Hindi talaga siya [daliri] straight,” pagbabahagi ni Rabiya nang tanungin ng host ang kanyang insecurity sa kamay.

“Baliko talaga siya so I’m having trouble minsan or hard time doing 'yong mga beauty shots na kailangan ng mga kamay kasi ang tigas-tigas talaga tignan. ‘Di talaga nakakaganda,” natatawang sabi ni Rabiya.

Ayon sa website na Medic-life, maaaring magkaroon ng swan-neck deformity o SND ang isang tao “when many joints on your fingers are back in unusual positions due to a helath condition or injury.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi binanggit ni Rabiya ang kanyang SND sa programa.

Samantala, binalikan din sa naturang panayam ang naging pagkadapa ni Rabiya sa kanyang final walk sa coronation night ng MUP 2021 finals night noong Setyembre 30.

“Ako aminado po talaga akong lampa ako. During that time, natapakan ko ‘yong gown ko tapos dumire-diretso ako,” kuwento ni Rabiya.

“That time MJ was sitting in front. I heard her saying ‘Oh, oh, oh,’” natatawang pagbabalik-tanaw ni Rabiya sa reaksyon ng kaibigan at dating Miss Universe Philippines na si MJ Lastimosa.

Hindi na raw “big deal” kay Rabiya ang mga ganitong sitwasyon.

“It happens all the time talaga that’s why for me it’s not a big deal kasi minsan nga kahit naka-tsinelas ako talagang nadadapa ako,” ani ng beauty queen.

Kasunod na binulgar ni Rabiya ang pagtahak niya sa industriya ng show business.

“Magso-showbiz na po ako. I’m gonna sign up with GMA, magiging Kapuso na po tayo. I’m excited to do acting and hosting in the future,” pagbabahagi ni Rabiya.