Nasa moderate risk na umano sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Metro Manila.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research Group nitong Lunes, na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account.

Bunsod umano ito ng pagbaba na sa 28% ng seven-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa lugar na nasa 3,120 na lamang.

Bumaba rin umano ang reproduction number sa rehiyon na nasa 0.81 na lamang mula sa dating 0.84 habang ang average daily attack rate (ADAR) ay nasa 22.34 na lamang o mas mababa na 25 na nangangahulugang ito ay nasa moderate risk na.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

“Reproduction number 0.81 and ADAR below 25 means NCR now at moderate risk based on covidactnow,” tweet pa ni David.

Ang ADAR ay ang porsyento ng mga indibidwal na nagpo-positibo sa COVID-19 per 100,000 population na sumasailalim sa pagsusuri, habang ang reproduction number ay ang bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19.

Bukod dito, ang positivity rate sa NCR ay bumaba na rin anila sa 16% sa nakalipas na pitong araw.

Sinabi ng OCTA na kabilang sa mga LGUs na ikinukonsidera bilang moderate risk ay ang Malabon, Manila, Navotas, Pasay, Parañaque, Valenzuela, Taguig, at Mandaluyong.

Mary Ann Santiago