Isang co-convenor ng opposition coalition 1Sambayan ang humiling sa mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na bigyan pa ng dagdag na panahon na makapagpasya ito kaugnay ng pagtakbo pagka-Pangulo sa Halalan 2022.

Inamin ni Bro. Armin Luistro, dating kalihim ng Department of Education (DepEd) na pati siya’y malapit nang mainip na sa kawalan pa rin ng pinal na desisyon ni Robredo.

“But, let’s respect her request for some more time to truly discern and prepare for this life-changing decision. Ilang tulog na lang naman. 1Sambayan joins our VP Leni in prayer at this time,” ani Luistro sa isang mensahe sa Manila Bulletin.

Matapos pasalamatan ang pag-endorso ng 1Sambayan nitong Setyembre 30, humingi ng pagdarasal si Robredo para sa pagpapasya nito sa kanyang kandidatura bilang pangulo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Matatandaang parehong araw din nang magtungo si Robredo sa Bicol para asikasuhin ang paglipat ng kanyang voter’s registration mula Naga City hanggang sa kalapit na bayan ng Magarao.

Nasa Maynila na muli si Robredo nitong Oktubre 4, matapos ang kaniyang stopover sa Capas, Tarlac kasunod ng inisyatibang Vaccine Express sa mga komunidad ng Aeta sa lugar.

Naunang humingi pa ng dagdag na panahon ang bise-presidente habang hiling nitong mapag-isa ang oposisyon.

Samantala, naghain na ng COCs sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao, tila senyales ng nabuwag na puwersa ng oposisyon.

Raymund Antonio