Apat na bus driver ang pinatawan ng indefinite suspension ang kanilang driver's license matapos magpositibo sa iligal na droga sa isinagawang random drug test sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City, nitong Lunes.

Sa pahayag ng PITX, nagsagawa ng random drug testing ang Land Transportation Office ( LTO), Philippine National Police (PNP) at Parañaque City government sa mga driver na biyaheng Cavite at Batangas upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa kanilang paglalakbay.

Sa 47 bus driver na sumalang sa drug test, apat sa mga ito ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ang apat na nagpositbo sa droga ay may rutang PITX hanggang Cavite.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Dahil dito ay kaagad na kinumpiska ng LTO ang lisensya ng apat na driver.

Bella Gamotea