Naghain na si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente para sa 2022 national elections ngayong Lunes, Oktubre 4.

Dumating si Domagoso sa Commission on Elections (Comelec) filing venue sa Sofitel Tent sa Pasay City kasama ang kanyang running mate sa pagka-bise presidente na si Dr. Willie Ong.

Ang paghahain ng COC ng Manila mayor ay araw ni St. Francis na kung saan siya pinangalan ng kanyang ina na si "Nanay Chayong" Moreno, ayon sa pahayag ng campaign team ni Moreno.

“Concern for the poor is a central theme in the life of St. Francis of Assisi. After renouncing his wealthy life, St Francis lived as one of the poorest and lowest in society and worked as a day laborer. This was hard, menial, low-paid work, yet, he never passed a collection plate nor asked the public for money,” sinabi ng campaign team.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Opisyal na inanunsyo ni Domagoso ang kanyang presidential bid noong Setyembre 22.

"Opo, lumaki akong busabos ngunit hindi ako naging bastos. Another lesson I learned in my early life — poverty must not take humanity out of you,” ayon sa Manila Mayor sa pag-aanunsyo niya ng kanyang presidential bid.

“I will be a healing president. I will welcome criticisms. I do not run on promises. I run on prototypes,” dagdag pa niya.

Nagsimula ang political career ni Domagoso noong 1998 nang manalo siya bilang city councilor ng Maynila. Matapos ang tatlong termino, naging vice mayor siya noong 2007.

Noong 2016, tumakbo siya bilang senador ngunit siya ay natalo. Sa pagkakataong iyon, itinalaga siya ni Pangulong Duterte bilang chairman ng North Luzon Railways Corporation.

At noong 2019 naman, naging mayor ng Maynila si Domagoso.

Tatakbo sina Domagoso at Ong sa ilalim ng Aksyon Demokratiko political party.