Nangako si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na "paghihilumin niya ang bansa" matapos ang paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente nitong Lunes, Oktubre 4.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/04/mayor-isko-nag-file-na-ng-coc-sa-pagka-presidente/

“Tanggapin niyo po ang aplikasyon ko. Ako’y buong loob na tumatakbo bilang pangulo ng bansa," ani Domagoso.

“Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na paghilumin ang ating bansa para sa ating magandang kinabukasan na ating inaasam," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nangako rin si Domagoso na paglilingkuran niya ang bansa sa kanyang sariling maliit na pamamaraan sa oras na siya ay mahalal.

“Sa dami ng ating suliranin, sa tulong ninyo, bigyan niyo lang ako ng pagkakataon na kayo’y mapaglingkuran sa buong bansa at mga kababayan natin nasa buong mundo," ayon sa mayor.

“In my own little way, lahat ng oras, lakas ng pangangatawan ang aking tanging puhunan, bubuhos ko nang kayo’y mapaglingkuran. Maibsan ko lamang ang inyong dinaranas.. ang ating dinaranas," dagdag pa niya.

“Ang ating sitwasyon o damdamin ng ating mamamayan ay punong puno ng pangamba dahil sa dulot na ibinigay sa atin ng pandemyang ito," paglalahad pa niya.

“Umiral din ang pang-aabuso ng ilan. Ang kasakiman. Galit ng tao. Nagkaroon tayo ng poot sa isa’s isa," pagdidiin ni Domagoso.

Dagdag din niya na maraming Pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bawat isa dahil sa pandemya.

“Salamat sa Diyos sapagkat ni sa panaginip, hindi ko akalaing makakaharap ako sa inyo ng ganito.Let’s heal our country and together, there will be a better future for each and everyone of us. With your help, we can do it.”

Jaleen Ramos