Isang leaf artist mula sa Davao ang ang nagpahayag ng suporta para kay Vice President Leni Robredo matapos iukit ang mukha nito sa isang dahon kalakip ang mga salitang #LetLeniLead.
Ibinahagi ng leaf artist na si Jomz Doronila ang imahe ng kanyang obra sa Twitter.
“I may not be the best leaf artist in town but my ART only belongs to someone who has a HEART. Naiukit ko na din sa dahon ng kapalaran ang ating 17th President,” caption nito sa post.
Kalakip sa inukit ni Doronila ang mga salitang #LetLeniLead, isang hashtag na naghihikayat kay Robredo na tumakbong pangulo sa Halalan 2022.
Nasa 9,900 likes,1,700 retweets at 101 replies na ang nasabing Twitter post.
Sa hiwalay na paskil, nagpasalamat si Doronila sa mga kumilala sa kanyang sining habang sinabing maaaring gamitin ng kanyang followers ang nasabing larawan kung nais din suportahan ang “Busy President.”
Wala pang anunsyo si Robredo sa kanyang plano sa Halalan 2022 ngunit nananatiling mataas ang moral ng kanyang mga tagasuporta.
Nitong mga nakaraang araw, trending ang #LeniforPresident2022 sa Twitter.
Raymund Antonio