Sa gitna ng banta namang paghagupit ng bagyong Lannie sa Southern Leyte matapos tumama sa Surigao de Norte at Dinagat Islands nitong Lunes ng madaling, isinailalim naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Signal No.1 ang 24 na lugar sa bansa nitong Lunes, Oktubre 4.

Sa ulat ng PAGASA, kabilang sa apektado ng bagyo ang katimugang bahagi ngMasbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud), katimugang bahagi ngRomblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose), katimugang parte ngOriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong), katimugang bahagi ngOccidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay), at hilagang bahagi ngPalawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli), kabilang ang Calamian at Cuyo Islands sa Luzon;Eastern Samar;Samar,Biliran,Leyte,Southern Leyte,Capiz,Aklan,Antique,Iloilo,Guimaras,Negros Occidental, hilaga at gitnang bahagi ngNegros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City),Cebu, atBohol sa Visayas; atSurigao del Norte,Dinagat Islands, hilagang bahagi ngAgusan del Norte (Magallanes, Remedios T. Romualdez, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City), hilagang bahagi ng Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad), at hilagang bahagi ngSurigao del Sur (San Miguel, Marihatag, San Agustin, Cagwait, Bayabas, Tago, City of Tandag, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, Lianga).

Paliwanag ng PAGASA, bumayo na ang bagyo sa Bucas Grande Island sa Socorro sa Surigao del Norte nitong Lunes, dakong 4:30 ng madaling araw at sa Cagdianao, Dinagat Islands, dakong 5:00 ng madaling araw.

Kumikilos ang bagyo sa kanluran-hilagang kanluran ng Visayas hanggang Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw.

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!

Sa pagtaya ng PAGASA, posible rin itong tumama ang bagyo sa bisinidad ngnorthern Palawan o Calamian Islands sa Martes ng umaga at tatahak patungong West Philippine Sea.

Babala ng ahensya, makararanas ng matinding pag-ulan saVisayas, Bicol Region, Mimaropa, Calabarzon, at Caraga Region mula Lunes hanggang Martes ng umaga, gayundin saMetro Manila, Bulacan, Bataan, at iba pang bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ang bagyo saLiloan, Southern Leyte na may dalang hanging 45 kilometrok ada oras at bugso na hanggang 55 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo sa Huwebes ng gabi, ayon pa sa PAGASA.