Inihayag ni Kapuso actor Jason Abalos na tatakbo siya bilang 'bokal' o board member sa District 2 ng Nueva Ecija upang sundan ang yapak ng kaniyang ama.

Makikita ang kaniyang opisyal na pahayag sa kaniyang Facebook post nitong Oktubre 2, 2021 matapos ang filing ng kaniyang candidacy.

"Nag-file po ako ng COC kaninang umaga para ituloy ang nasimulan ng aking Ama (Popoy Abalos) sa pagka-bokal (board member) sa ating District 2 sa Nueva Ecija. Malaking hamon ang pandemyang ito para sa mga Señor Citizen kaya po napag- desisyunan namin na ako na ang magtatrabaho para po sa ating mga kababayan," aniya.

"At dahil po dito kung inyong mapagbibigyan ay ilalapit namin ang kapitolyo at iba't ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang ating susunod na magiging Gobernadora Rianne Cuevas sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng teknolohiya. Isa lang po ito sa aking mga magiging adbokasiya, para po sa buong lalawigan ng Nueva Ecija. Kailangan po namin ang inyong suporta at mga dalangin. Maraming salamat po. #nowna," pahayag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho