Isang foreign vessel ang nasamsam ng Bureau of Customs kasunod ng ilegal na pagpasok nito sa bansa.

Ilang kawani ng BOC at operatiba ng Enforcement and Security Service (ESS) ang kumumpiska sa MV Long Xiang 8 matapos makarating sa pantalan ng Maynila nitong Setyembre 28.

“The vessel was not in the manifest-waybill, and it has no corresponding import declaration entry filed with the BOC by the ship owner or agent,” sabi ng BOC sa isang pahayag nitong Lunes, Oktubre 4.

Base sa imbestigasyon, mula sa pantalan ng Iloilo ang vessel at nakarating sa pantalan ng Maynila lulan ng M/V AAL KOBE.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MV Long Xiang 8/BOC

Maliban sa  hindi pagkakabilang nito sa manifest-waybill at kawalan ng import declaration entry, peke rin ang pangalang ginamit ng may-ari, YUE XIN HE 813, upang maiwasang ma-detect sa paglalayag.

Pininturahan pa umano ang pangalan ng vessel, ayon sa BOC-QRT at ilang WPD personnel.

Kasalukuyang nakaangkla sa Manila Bay area ang nasamsam na vessel.

Waylon Galvez