Narito ang mga dagdag na pangalang kakandidato sa pambansang posisyon sa ikaapat na araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa Halalan 2022.

Labindalawang aspirants ang nagsumite ng COCs pagka-Pangulo nitong Lunes, Oktubre 4 kabilang na sina Sonny Boy Andrade, Juanita Trocenio, Alfredo Respuesto, Gabriela Larot, Faisal Mangondato, Franscisco “Isko Moreno” Domagoso, Leo Cadion, Maria Mercedes Pesigan, Delia Aniñon, Renato Valera, Melchor Puno, at Winston Kayanan.

Dumagdag naman sa listahan ng vice president aspirants sina Carlos Serapio, Willie “Doc Willie” Ong, and Princess Sunshine Amirah Magdangal

Kasama naman sa hanay ng mga nais mapabilang sa Magic 12 sina Narciso Solis, Marieta Mindalano-Adam, Roberto Aniceto, Guzman Claro, Maria Lourdes Santiago, Edgar Miranda, Rosita Maura Delos Angeles, Jigger Pitos, Eleazar Calampiano, Bobby Francisco, Pedro Austria, Florencio Carlos, Anthony Castro, Mario Mangco, Junibert Guigayuma at Jennet “Genie” Tam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ilang partylist groups din ang naghain ng kanilang list of nominees at certificate of nomination and acceptance (CONA) kabilang ang Ang Koalisyon ng Indigenous People, Marvelous Tayo, Alagaan ng Sambayanang Pilipino, Gabriela, Aasenso, Ako’y Tech Voc, AKAP, Truck Drivers Philippines, Ipatupad for Workers, at ang Aangat Kusinerong Pinoy.

Tatakbo hanggang Oktubre 8 ang paghahain ng COC para sa Halalan 2022.

Leslie Ann Aquino