Marami ang nagulat sa desisyon ni Kuya Kim Atienza sa ginawa nitong paglipat sa GMA Network, mula sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 17 taon.
Isa na riyan ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na minsan na ring naging bahagi ng ABS-CBN, gaya ng 'Cristy Fer Minute' at 'The Buzz'. Matapang niyang ibinahagi ang kaniyang palagay ukol sa naturang hakbang ni Kuya Kim, lalo't marami ang kumukuwestyon sa naging pahayag o pangako nito noon, na hindi siya aalis sa Kapamilya Network 'hanggang sa huling hininga'.
Sa September 29 episodetinalakay nila ang paglipat na ito ni Kuya Kim.
“Kung lilipat na siya sa GMA, paano na ‘yung binitiwan niya noon na hanggang sa huli n’yang hininga mananatili siya sa ABS-CBN?” tanong ni Cristy.
“‘Isa pa iyan, 'yang mga pagsasalita ng mga pangako na malalalim na mga ganyan, ‘yung sinasabi ni Kuya Kim noon up to his last breath, na hindi siya aalis sa ABS-CBN.Paano mo haharangin, paano mo ipapaliwanag ang punto mo ngayong papalipat ka na pala samantalang nangako ka noon noong kasagsagan ng inyong ideolohiya tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, hindi ka aalis, hindi ka lilipat hanggang sa huling hininga mo. Kaya kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita,” dagdag pa nito.
Sa September 30 episode naman, nilinaw ni Cristy na ang pahayag pala ni Kuya Kim ay 'until it's last breath' na ang tinutukoy ay network.
"Naiintindihan po natin yung mga taong nambabash kay Kuya Kim ngayon, oo nga po, may kalayaan siyang lumipat, dahil meron naman siyang talentong puhunan, at kinuha naman siya at pinagkatiwalaan ng Kapuso Network, wala pong kuwestyon iyon. At ako ay naniniwala na si Kuya Kim ay lumapit sa kaniyang mga bossing at nagpaalam… at siya'y pinayagan," ani Cristy sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' na napapanood din sa YouTube channel.
"Ang isinusudsod sa kaniya ngayon ng mga bashers, maging ng mga kasamahan niya sa ABS-CBN, hindi pala niya sinabi noon na until my last breath, hindi pala siya iyon, ang sinabi pala niya, 'I shall stay as a Kapamilya til it's last breath'… hanggang sa huling hininga ng network. Hindi hininga niya," paglilinaw ni Cristy.
Noong Oktubre 1 nga ay nagpaalam na sa Kapamilya fans si Kuya Kim. Sinasabing magsisimula ang kaniyang trabaho sa GMA Network sa Oktubre 4, Inaabangan na ang kaniyang stint sa 24 Oras, at ang matunog namang papalit sa kaniya sa TV Patrol ay ang sportscaster ng ABS-CBN News Channel o ANC na si Migs Bustos.