Bumaba mula 30 percent nitong mid-September hanggang 20 percent ang bilang ng mga indibidwal na nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) ayon kay National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer and Testing Czar Vince Dizon nitong Lunes, Oktubre 4.

“Ang ibig sabihin nito, yung dami ng nagpopositibo sa mga tine-test natin ay sampung porsyento na ang ibinaba. Nakikita na rin natin ito sa pagbaba ng ating positive cases everyday,” sabi ni Dizon sa isang public briefing.

“Ang ibig sabihin din nito is bumababa na talaga mula sa peak ng dami ng kaso ang ating COVID-19 cases. Nakikita na rin natin ito sa pagbaba sa utilization sa ating ospital. Napakapositibong sign ito,” dagdag nito.

Naunang inulat ng OCTA Research ang obserbasyong downward trend ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunpaman, binigyan-diin ni Dizon na hindi pa ito hudyat para maging kampante at muling pinaalala ang kahalagahan ng minimum public health standards.

“Kailangan tuloy-tuloy pa rin po ang ating mabilis na pagbabakuna kaya napakaganda po ng balita ni Sec. [Carlito] Galvez na marami na tayong supply ng bakuna di tulad nung first half of September na medyo matumal po ang dating ng ating doses,” dagdag ni Dizon.

Nangako si Dizon sa mas mabilis na paghahatid ng bakuna sa bansa upang mapalakas ang vaccination program sa bansa.

Gabriela Baron