Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador si Narciso Solis, isang minero mula sa Baguio City, nitong Lunes, Oktubre 4 sa Sofitel Tent sa Pasay City.

Tatakbong independent candidate si Solis.

Habang nagtatalumpati, patuloy niyang itinataas ang kanyang kamay na naka "peace sign."

“Tatakbo po tayo sa Senado para sa muling pagsulong ng ekonomiya sa ating bansa," sigaw niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Isa po akong minero at isang mistisong emperor na galing sa Baguio na ang mga natutunaw sa minahan ay ginamit ko po sa ating bayan…para magkaroon po ng ekonomiya sa ating bansa," dagdag pa niya.

Sa dulo ng kanyang talumpati, pinasalamatan niya si Pangulong Duterte.

Jel Santos