Nadagdagan pa ng pito ang binawian ng buhay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Navotas at Malabon, kamakailan.

Sa datos ng city health office ng Navotas, apat pa ang naidagdag sa listahan ng mga namatay sa sakit sa lungsod.

Gayunman, nananatili pa rin sa 457 ang naitala nilang active cases ng sakit.

Sa kabuuan, 17,262 na ang nahawaan ng virus sa Navotas at lumobo na sa 530 ang nangamatay sa sakit.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Sa Malabon City, tatlong pasyente ang namatay at 34 na ang naidagdag sa confirmedcases, ayon sa pinakahuling ulat ng City Health Office nitong Linggo ng umaga.

May total na 20,634 ang nag-positive matapos madagdagan ng 388 pang kaso nito.

Umaabot na sa627 ang binawian ng buhay sa sakit sa Malabon, ayon pa sa pamahalaang lungsod.

Orly Barcala