Nakitaan umano ng Department of Health (DOH) ng pagbaba ng bilang ng mga isinasagawang COVID-19 swab tests o RT-PCR tests, ang may 14 na rehiyon sa bansa kumpara sa nakalipas na linggo.

“We’ve observed that 14 regions had less number of RT-PCR tests done in the recent week versus the previous week,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isang press briefing nitong Lunes.

Sa datos na iprinisinta ni Vergeire, sinabi nito na ang bilang ng mga samples na nasuri sa naturang 14 na rehiyon, maliban sa Regions 3, 4-B, at 5, ay nakitaan nila nang pagbaba.

Aniya, ang may pinakamalaking pagbaba ay naitala sa National Capital Region (NCR), na mula sa 266,042 tests, ay bumaba ng 14.1% o 37,383 tests.

National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara

“This translated to the lower positive individuals from 48,229 to 35,603,” aniya.

May anim rin aniyang local government units (LGUs) sa Metro Manila, na kinabibilangan ng Parañaque, Pasay, Caloocan, Pasig, Pateros at Mandaluyong, ang nag-ulat ng mas mababang bilang ng tests sa nakalipas na dalawang linggo.

Tinukoy umano ng Parañaque ang pagbaba ng testing capacity ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) bilang dahilan nang pagbaba ng kanilang iniulat na tests habang ang Pasay LGU naman ay nagsabi na bumaba ang kanilang mga tests dahil sa paglipat nila sa paggamit ng antigen test.

“Four local governments reported a general decrease in the case trend and, by extension, contacts detected: Caloocan, Pasig, Pateros and Mandaluyong,” aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na ina-assess pa nila ang dahilan sa likod nang pagbaba ngtesting output.

“We are still assessing the reasons for this decline, and if this reflects a true decline in cases or is affected by other factors such as ongoing active case finding and contact tracing and the use of rapid antigen test to complement the RT-PCR testing,” ani Vergeire.

Mary Ann Santiago