Patuloy umanong dumarami ang mga grupo at mga taong sumusuporta sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno, kahit pa marami ang nagsasabi na ‘hilaw’ pa ang alkalde upang maging susunod na pangulo ng bansa.

Nabatid na lumahok na rin sa Aksyon Demokratiko ang malaking grupo na President Isko Moreno - Isulong ang Kapakanan ng bawat Pilipino (PRIMO - ISKO ) na kinabibilangan ngpolitical officers, youth and student leaders, solo parents, agricultural sector workers, lawyers at professionals, businessmen mula saSMES (small andmedium-sized enterprises) at sektor ng turismo.

Ayon kay PRIMO-ISKO Founding Chairman Barbie Atienza, nagsimula si Moreno sa kanyang karera sa serbisyo-publiko noong 1998 noong una siyang maihalal na Konsehal ng Distrito 1 sa Tondo at nagsilbi sa tatlong termino hanggang 2007.

Muli umano itong naihalal na Vice Mayor ng Maynila noong 2008 hanggang 2016at naging alkalde ng Maynila hanggang sa kasalukuyan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabuuan, sinabi ni Atienza na may 23 taon o kalahati ng kanyang buhay ang ginugol niya sa public service.

Naniniwala rin ang PRIMO-ISKO na si Moreno ay magiging isang "unifying president’ at kaya nitong gawing ‘First World Nation’ ang Pilipinas.

Nabatid na ang National Council officers ng PRIMO-ISKO ay nanumpa sa partido Aksyon Demokratiko sa Mehan Garden malapit sa Manila City hall.

Mary Ann Santiago