Naghain ng certificate of candidacy (COC) nitong hapon ng Linggo, Oktubre 3 sa Sofitel, Pasay City si Samira Gutoc.

Ito ang kanyang pangalawang senatorial race matapos mapabilang sa opposition alliance ng “Otso Diretso" nitong 2019 national elections.

Ang dating Bangsamoro Transition Commission member at assemblywoman ay muling tatakbo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, na kasalukuyang pinamumunuan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang pangulo.

Ayon kay Gutoc, ang Aksyon Demoktratiko ang nag-anyaya sa kanyang sumapi sa partido.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“I owe, and continue to publicly claim, that I owe much who I am as a political personality to Vice President Leni and the Liberal Party,”sabi ni Gutoc nang humarap sa midya matapos maghain ng COC.

Samira Gutoc via Comelec

“But Aksyon Demokratiko reached out at the time of the pandemic, Yorme (Mayor Isko) being the location—‘yung Manila 10 barangays from the Southern Philippines, we got to work together on outreach programs, humanitarian… I felt that our closeness in the issue of stranded, displaced, workers who lost their jobs, teachers who need gadgets— that really resonated with me. As you know, I am from Marawi, the poorest parts of the country are in the Bangsamoro Autonomous Region,”dagdag nito.

Samantala, umapela si Gutoc sa Commission on Elections (Comelec) na payagan ang lahat ng kandidato na dumalo sa lahat ng public forums at bigyan sila ng pantay-pantay na airtime.

“Due to the pandemic, I learned that key lessons are legislation, oversight, transparency, accountability are needed.”

Nakalikom ng nasa 4,345,252 boto si Gutoc katumbas sa 9.19 percent sa kabuuang naitalang boto noong 2019. Dahil dito, bigo siyang makasungkit ng puwesto sa Senado.

Jel Santos