Patay ang isang halos 2-anyos na lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Sun Valley, Parañaque City nitong Sabado ng hapon.

Natusta nang buhay ang paslit na taga-No.4035 Culdesac Rotonda, Brgy. Sun Valley sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Parañaque CityBureau of Fire Protection (BFP) investigator SFO1 Gennie Huidem, may hawak ng kaso, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag na bahay ng isang Wilfredo Prado sa nabanggit na lugar, dakong 3:45 ng hapon.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa maabo rin ang 13 na bahay na pawang gawa sa light materials

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Umabot sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang 5:03 ng hapon.

Sa report,nasa ibaba ang lolo ng biktima at dalawangkapatid habang nasa kuwarto sa ikalawang palapag ang paslit nang sumiklab ang apoy at hindi na siya nagawang maisalba.

Naiwan umano sa pangangalaga ng lolo ang mga bata dahil nasa trabaho ang kanilang ama habang nagtungo naman sainaaplayang employment agency ang ina para sa trabaho sa ibang bansa.

Tinatayang 50 na pamilya ang apektado sa naganap na insidente.

Patuloy pang sinisiyasat ng awtoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian.

Bella Gamotea