Naranasan mo na bang awayin ng jowa ng isang taong ni hindi mo nga kilala sa personal at pinagselosan ka kaagad dahil ni-like o nai-share sa sariling wall ang social media post nito?

Iyan ang naranasan ni 'Pearl Jhene David' matapos siyang i-PM ng 'selosang' girlfriend ng lalaking friend niya sa Facebook, dahil lamang sa ni-like at nai-share niya ang social media post nito tungkol sa mga delivery riders.

"Nakakahiya ka Ate Ghorl! Nakakahiya ka talaga! HAHAHAHA. Napaka-crab mentality at at napaka-IMMATURE mo naman masyado! HAHAHAHAHA Para sa isang REACT ko lang sa pic ng jowa mo nagkakaganyan ka? HAHAHAHAHA," panimula niya.

Isinalaysay niya sa Facebook post ang ginawa sa kaniya ng nagpakilalang jowa ng naturang delivery rider, na random person na naging FB friend niya.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

"Nakita ko sa timeline ko (newsfeed) yung shared post ni Kuya n'yo Renz about GRAB DRIVER, tapos nakita ko Grab driver din siya, eh 'di ni-REACT KO SHARED POST AT DP niya. Tan***na, para 'yun lang 'yun. Akala mo naman inagawan ka ng jowa Ate Ghorl! HAHAHAHA, napakaselosa ne? Jusko! Sa 'yo na 'yang jowa mo. Saksak mo pa diyan sa ngala-ngala mo loka! HAHAHAHA."

"ISANG REACT LANG 'YAN AH! HAHAHAHAHAHA tapos tatawagin mo kong TANGA? SINO KAYA MAS TANGA SA ATIN NGAYON? HAHAHA BACK OFF! Mamili ka ng papainitin mo ng ulo ha? Mamili ka ng kakalabanin mo! See you around! God bless you. Padlock mo jowa mo."

Ibinahagi niya ang screenshots ng naging pag-uusap nila ng babae gamit ang account ng tinawag niyang 'Renz'. Sa ngayon, naka-block na ito sa kaniyang Messenger account.

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

Nauna nang maging viral si Pearl matapos niyang manawagan sa mga netizens na tulungan ang naispatang magkapatid na namamalimos sa isang overpass.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/07/concerned-netizen-nanawagan-ng-tulong-para-sa-dalawang-batang-may-sakit-na-namamalimos-sa-kalsada/