Naobserbahan ng independent research group na OCTA nitong Linggo, Oktubre 3 ang patuloy na pagbaba ng COVID-19 infections sa Metro Manila at walong iba pang probinsya at lungsod o mas kilalang “NCR (National Capital Region) Plus 8.”

Binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, at Davao City ang NCR Plus 8.

Larawan mula kay OCTA Research Fellow Guido David

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isang Twitter post ni Dr. Guido David nitong Linggo, sinabi nitong sa pamamagitan ng “vaccinations, compliance with health standards, implementation of restrictions, and Delta [surge] nearing [its] end in these areas.”

Base sa Covid Act Now, ang NCR Plus 8 ay may reproduction number na mas mababa sa 0.9 o nasa “lower risk” range.

Cavite ang may pinakamababang reproduction number na 0.63 sinundan ng Cebu na may 0.66, 0.68 ng Laguna, 0.70 ng Bulacan at 0.74 ng Batangas.

Gayunpaman ang average daily attack rate (ADAR) o infection rate sa Metro Manila ay nanatili sa “very high” level o may 25.05 kaso sa bawat 100,000 populasyon.

Maliban sa Cebu City, ang lahat ng NCR Plus 8 ay may ADAR na pasok pa rin ‘high risk’ range.

Habang bumaba ng 16 percent ang positivity rate sa Metro Manila, kinokonsidera pa rin itong “high.”

Parehong nasa high levels ang Davao City (20 percent) at Cavite (17 percent) habang “very high” ang Batangas (21 percent), Bulacan (26 percent), Laguna (29 percent), Pampanga (28 percent), at Rizal (23 percent).

Tanging Cebu City na may positivity rate (8 percent) ang pumasok sa medium or moderate risk. Maging ang ADAR nito’y nasa moderate din na may 5.29 kaso sa bawat 100,000 populasyon

Pagdating sa healthcare utilization, nasa low risk ang Metro Manila (59 percent), Cebu City (37 percent), at Bulacan (57 percent) habang “medium o moderate risk” ang Davao City (62 percent), Cavite (61 percent), Laguna (64 percent), at Pampanga (67 percent).

Samantala, nanatiling “high risk” ang health care utilization rates ng Batangas (74 percent) at Rizal (73 percent).

Ellalyn De Vera-Ruiz