Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 5.6 na lindol sa Occidental Mindoro ngayong Linggo ng umaga, Oktubre 3.
Ayon sa Phivolcs, nasa layong 10 kilometro hilagang kanlurang ng Sablayan, Occidental Mindoro ang epicenter ng pagyanig na naganap dakong 5:59 ng umaga.
Naitala ang Intensity III sa San Jose, Occidental Mindoro; Intensity II sa Batangas City; and Intensity I sa Mulanay at Mauban sa Quezon province at Tagaytay City sa Cavite.
Nagbabala ang Phivolcs na asahan ang mga aftershocks.
Noong Setyembre 27, naitala ng State seismologist ang 5.7-magnitude na lindol sa Occidental Mindoro na naramdaman sa mga karatig na lugar, kabilang ang Metro Manila.
Ellalyn De Vera-Ruiz