NUEVA ECIJA - Nakakulong na ang isang biyudang senior citizen matapos madakip ng pulisya sa kasong estafa sa Cuyapo, kamakailan.
Sa ulat ni Cuyapo Municipal Police chief, PLt. Col. Erwin Ferry, nakilala ang wanted na si Flordeliza Ladinez, 64, taga-Brgy. Piglisan, Cuyapo.
Sa imbestigasyon ni Cpl. Reynaldo Cayog jr., may hawak ngkaso, inaresto si Ladinez ng mga tauhan ngWarrant Section ng CuyapoPolice sa pinagtataguan nito sa nasabing lugar batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ngRegional Trial Court 4th Judicial Region, Lucena City nitong nakaraang Hulyo16 sa kasong estafa.
Inirekomenda ng korte ang piyansang₱108,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Light Nolasco