Ilang mamahaling sasakyan at milyong halagang barya na pinaniniwalang ‘smuggled’ ang kamakailang nadiskubreng nakaimbak sa isang bahay sa Quezon City, sabi ng Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado, Oktubre 2.

Kabilang sa mga hinihinalang “possible smuggled luxury vehicles” ang Lamborghini, Nissan GTR, Ferrari, Ford Shelby GT500, Mercedes Benz, Karosserie, Ford Raptor at Nissan Cefiro at ilang sako ng barya na nadiskubre sa isang bahay sa Scout Tuazon sa Quezon City.

Ayon sa BOC, tinatayang may market value na P100 milyon ang mga mamahaling sasakyan habang nasa P50 milyon ang halaga ng mga barya.

Dala ang letter of authority na pinirmahan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, isang grupo mula from Port of Manila’s Customs Intelligence and Investigation Service Field Office (CIIS), Philippine Coast Guard (PCG), Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang naglunsad ng inspeksyon sa tahanan nitong Biyernes, Oktubre 1.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasamsam ang mga sasakyan at sako-sakong barya kaugnay ng paglabag sa Section 1114 ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), BSP rules and regulation,  at sa Anti-Money Laundering Laws, sabi ni Guerrero.

Patuloy na gumugulong ang imbestigasyon kuagnay ng mga nasamsam na kagamitan, dagdag ni Guerrero.

Beethena Unite