Posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 48 oras ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Surigao del Sur, nitong Setyembre 3.

Sa abiso ngPhilippine Atmospheric,Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 185 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, nitong Linggo ng hapon.

“Due to favorable conditions, the LPA is likely to develop into a tropical depression within the next 48 hours,” ayon sa PAGASA.

Paliwanag ng PAGASA, papangalanang "Lannie" ang inaasahang bagyo.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa pahayag naman niweather forecaster Meno Mendoza, posibleng dadaanang bagyo sa Mindanao at Visayas sa susunod na mga araw.

Nagbabala rin ang PAGASA na makararanasng malakas na pag-ulan saEastern at Central Visayas, at Mindanao sa susunod na 24 oras bunsod na rin ng LPA.

Ellalyn De Vera-Ruiz