Pinag-uusapan ngayon ang vlog #57 ni Kuya Kim Atienza, na ang paksa ay hinggil sa kaniyang huling araw bilang isang Kapamilya, na inilabas niya nitong Oktubre 2, 2021.

Sinimulan niya ang vlog sa pagpapakita na hindi siya makatulog at hindi dalawin ng antok, dahil ito raw ay mahalagang araw sa kaniyang buhay. Paggising niya ng 7AM, nanalangin siya. Naging laman ng kaniyang panalangin ang ABS-CBN gayundin ang bagong home network na GMA 7. Nag-quote pa siya ng bible verse.

Screenshot mula sa YT/Kuya Kim Atienza

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screenshot mula sa YT/Kuya Kim Atienza

Pagkatapos niyon, kinuha ni Kuya Kim ang kaniyang cellphone at binasa ang mga tweets ng kaniyang mga netizens, magaganda man o hindi.

Nag-swimming din muna siya dahil pakiramdam daw niya ay nakakaramdam siya ng stress. 2,500 meters a day ang nilangoy niya sa swimming pool, 'just to remove the tension'.

Mga bandang 5PM ay nagtungo na nga si Kuya Kim sa ABS-CBN. Ginamit niya ang espesyal na motorsiklo na gamit niya noong nakilala niya ang misis niya.

Pagdating sa St. Esguerra corner kung saan naroon ang tarangkahang papasok sa ABS-CBN compund, hindi na napigilan ni Kuya Kim ang maging emosyunal habang pinagmamasdan niya ito. Dito umano siya pumapasok simula Day 1.

Isa-isa niyang pinuntahan ang iba't ibang mga opisina at studio sa loob ng ABS-CBN, at nagbigay-pugay sa kaniyang boss na si Ging Reyes. Marami naman sa mga staff at crew ang nagpaalam at nagpakuha ng litrato sa kaniya.

Kasama rin sa vlog ang behind-the scene ng kaniyang pamamaalam sa TV Patrol. Bago tuluyang umalis ay dumaan muna siya sa logo ng ABS-CBN na makikita sa lobby nito.

Sa Oktubre 4, inaasahang magsisimula na ang trabaho ni Kuya Kim sa GMA Network.